theChicka.com

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home

Vice Ganda at Eugene Domingo magsasama sa isang TV show?

Matapos kumalat ang balitang magpapaalam na sa ere ang comedy-talk show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice (GGV) sa darating na January 29, ay may mga bulung-bulungan naman na isang show ang ipinaplano ng Kapamilya network para sa stand up comedian kung saan makakasama niya ang isa pang magaling na komedyante, si Eugene Domingo.

Ayon sa mga reports, nahihirapan daw si Vice sa pagpapatawa ng mag-isa sa GGV kaya't nag-request ito ng ibang format na show.  Naibalita na rin na ang bagong musical-variety show ni Sarah Geronimo na Sarah G Live! ang ipapalit sa time slot na iiwan ng GGV.

Sa bagong show ni Vice ay magpapalitan sila ng punchlines ni Eugene.  Wala pang balita kung ano ang magiging format ng nasabing show pero siguradong riot ito dahil sa hindi matatawarang galing nina Vice at Uge pagdating sa pagpapatawa.

Kung totoo man ang balitang ito, nakakatuwa ring malaman na magbabalik Kapamilya na si Eugene.  Sa ABS-CBN, siguradong mas mabibigyan ng magagadang proyekto ang actress-comedienne. 

Sa mass exodus ng mga malalaking artista tulad nina Eugene, Richard Gomez, Carmina Villaroel, Iza Calzado, Patrick Garcia at marami pang iba, hindi namin maiwasan ang maitanong kung sino pa ba ang matitira sa Kapuso network?

 

Add comment


Security code
Refresh

theCHICKAdotcom
theCHICKAdotcom Get to know Jovit Baldivino:Pinoy Got Talent's First Grand Winner - ow.ly/9dxny

39 minutes ago via HootSuite

theCHICKAdotcom
theCHICKAdotcom Get to know Robin Padilla: Bad Boy - ow.ly/9dxnx

2 hours ago via HootSuite

theCHICKAdotcom
theCHICKAdotcom Get to know Jay-R: R&B Prince - ow.ly/9dxnv

3 hours ago via HootSuite