Matapos sunod-sunod na lumipat ng ABS-CBN and mga dating Kapuso talents na sina Janice de Belen, Carmina Vilaroel, Richard Gomez at Iza Calzado, nakatakda na ring pumirma ng kontrata sa Kapamilya network ang isa pang dating Kapuso, si Joey "Tsong" Marquez, ngayong January 26.
Madalas nang makita bilang guest sa ilang ABS-CBN shows tulad ng Showtime at Happy, Yipee, Yehey ang batikang komedyante ngunit ang pagpirma niya ang kontrata ang magpapatunay na isa na siyang certified Kapamilya muli.
Ayon mismo sa manager ni Joey na si Malou Choa-Fagar, nakatakdang gumawa ng talk show at teleserye ang komedyante sa Kapamilya network.







Comments
RSS feed for comments to this post