theChicka.com

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home

'Happy Yipee Yehey' hanggang February 4 na lang

Ilang linggo na rin usap-usapan ang napipintong pagpapaalam sa ere ng Kapamilya noontime variety show na Happy Yipee Yehey (HYY). Ayon sa mga balita ay hanggang sa February 4 na lang ito mapapanood at papalitan na ng ibang programa.

Mukhang may katotohanan ang mga tsismis dahil mga HYY hosts mismo ang nagpaparamdam na malapit nang matigok ang kanilang show. Kanina lang ay nagkomento si Pokwang na bakit daw sila minamadali? Pansamantala muna kasing inilipat ang pagtatanghal ng HYY sa Dolphy Theater mula sa Studio 3 ng ABSCBN. Pabiro naman siyang sinagot ni John Estrada na temporary lang daw sila sa Dolphy Theater dahil sa susunod ay wala na.

 

Bukod kay Pokwang at John, ang iba pang hosts ng HYY ay sina Randy Santiago, Rico J. Puno, Toni Gonzaga, Bianca Manalo, John Prats, Matteo Guidicelli at Melai Cantiveros. Meron naman daw ibang projects na ibibigay sa kanila sa pagwawakas ng HYY.

Isang bagong show ang ipapalit sa HYY ngunit wala pang detalye kung ano ang pamagat at kung sino ang magho-host nito.

 

Add comment


Security code
Refresh

theCHICKAdotcom
theCHICKAdotcom Get to know Jovit Baldivino:Pinoy Got Talent's First Grand Winner - ow.ly/9dxny

39 minutes ago via HootSuite

theCHICKAdotcom
theCHICKAdotcom Get to know Robin Padilla: Bad Boy - ow.ly/9dxnx

2 hours ago via HootSuite

theCHICKAdotcom
theCHICKAdotcom Get to know Jay-R: R&B Prince - ow.ly/9dxnv

3 hours ago via HootSuite