theChicka.com

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home

Pauleen Luna Hinimatay sa Eat Bulaga (Video)

Kuhang-kuha ng camera ang biglang pagtumba at pagkawala ng malay ni Pauleen Luna habang ginagawa ang segment na Juan for All, All For Juan ng Eat Bulaga sa Davao noong Lunes. Kapansin-pansin na matamlay na ang aktres sa simula pa lang ng segment at bigla na lang itong nag-collapse habang ini-interview ang isang contestant.

Madali namang isinugod sa ospital ang aktres at nasa maayos nang kalagayan.  Bagamat sinabi ni Allan K, na kasama ni Pauline noong naganap ang insidente, na sanhi ng pagod, puyat at sobrang init ng panahon ang naging dahilan ng pagkahimatay ng co-host, marami naman ang nag-iisip na baka buntis ang dalaga.

May ilang buwan na rin napapabalitang si Pauleen ang girlfriend ng beteranong komedyante at co-host sa Eat Bulaga na si Vic Sotto. Subalit hanggan sa ngayon ay wala pa rin pag-amin o pag-deny mula sa dalawa.

 

 

 

This content has been locked. You can no longer post any comment.

Twitter Updates