theChicka.com

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home

Edu Manzano and Shalani Soledad to host TV5's upcoming noontime show

Ilo-launch na ang bagong daily noontime variety-game show na Game N Go ng TV5 sa March 10, 2012 sa ganap na 11:30 a.m. Makakatapat nito ang Eat Bulaga! ng GMA at It's Showtime ng ABS-CBN.

Sina Edu Manzano at Shalani Soledad-Romulo ang magiging hosts ng nasabing programa at napabalitang makakasama rin sina Gelli de Belen, Tuesday Vargas,  Pretty Trizsa, April "Congrats" Gustillo at Arnell Ignacio.

Ayon sa aming source, may kani-kanyang segment ang mga host at magpapamigay ng malalaking papremyo sa mga game segments.

Lubos na ikinatuwa ni Shalani nang malamang isa siya sa magiging host ng Game N Go matapos matanggal sa show ni Willie Revillame na Wil Time Bigtime.  Nagulat na lang kasi ang politician-host nang sabihan siya ng business unit head ng programa na hindi na siya makakabalik matapos pansamantalang mag-leave upang asikasuhin ang kanyang pagpapakasal kay Rep. Roman Romulo.

Ang dahilan daw ng pagkakatanggal ni Shalani sa Wil Time Bigtime ay hindi na raw kasi siya maaaring tuksuhin kay Wilie ngayong may asawa na siya kaya't hindi na kikiligin ang mga manonood.

 

This content has been locked. You can no longer post any comment.

Twitter Updates