theChicka.com

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home

Gandang Gabi Vice tuloy sa pag-ere

Taliwas sa unang balita na magwawakas na ang comedy musical talk show na Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda, magpapatuloy pa rin ito sa paghahatid ng ligaya tuwing Linggo ng gabi sa Kapamilya Network.

Ayon mismo kay Vice, ang naganap na finale episode kagabi ay pagwawakas lamang ng season 1 at sa darating na Linggo ay magsismula na ang season two ng programang binansagan ding "trending capital of the Philippines" dahil laging nagte-trending sa Twitter ang programa at ang mga guests dito.

Sabi pa ni Vice, dapat ay magpapahinga muna ang GGV ng tatlong buwan at magbabalik sa Mayo ngunit nagbago ang plano ng ABS-CBN para sa show. Nagpasalamat din siya sa mga manonood na patuloy na sumusuporta sa programa.

 

This content has been locked. You can no longer post any comment.

Twitter Updates