theChicka.com

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home

Rhian Ramos tuloy-tuloy na kaya ang pagbabalik showbiz?

Matapos masangkot sa abortion issue, magbabalik na daw si Rhian Ramos sa showbiz.  Noong Linggo ay napanood na siya sa Party Pilipinas para sa promo ng pelikulang The Road ng GMA Films na ipapalabas sa US at Canada. Dadalo daw sa international red carpet premiere sina Rhian, ang iba pang cast members at ang direktor ng nasabing suspense horror film.

Matatandaang nagpaalam si Rhian sa showbiz sa gitna ng kontrobersyang kinasangkutan niya noong isang taon. Ayon kasi sa kumalat na video diary ng dating boyfriend ng aktres na si Mo Twister, ipinalaglag daw ni Rhian ang kanilang baby sa Singapore.  Hanggang sa ngayon ay di pa rin inaamin o dine-deny ng aktres kung totoo ang sinasabing ito tungkol sa kanya ng dating karelasyon.

Bukod sa international screening ng The Road, matutuloy na rin daw ang showing ng pelikula ni Rhian na My Kontrabida Girl katambal si Aljur Abrenica. Hindi natuloy ang showing nito bilang Valentine offering ng GMA Films ngunit maipapalabas na raw sa susunod na buwan.

Wala pang balita kung anong iba pang proyekto ang gagawin ni Rhian sa Kapuso network.  Ang lead role sa My Beloved ay napunta na kay Marian Rivera nang magpasyang iwan muna ni Rhian ang showbiz.

Ngayong babalik na siya sa showbiz, bibigyang linaw na kaya ni Rhian ang abortion issue na binabato sa kanya o mananatiling tahimik at hahayaan na lamang makalimutan ito ng mga tao? Abangan na lang natin ang susunod na kabanata.

 

This content has been locked. You can no longer post any comment.

Twitter Updates