Wearing a Barong Tagalog, Hollywood actor Jeremy Renner pays Philippine President Benigno Aquino III a courtesy call Wednesday morning. Renner is currently in the country for the filming of the spy film The Bourne Legacy where he plays the lead character.



Matapos masangkot sa abortion issue, magbabalik na daw si Rhian Ramos sa showbiz. Noong Linggo ay napanood na siya sa Party Pilipinas para sa promo ng pelikulang The Road ng GMA Films na ipapalabas sa US at Canada. Dadalo daw sa international red carpet premiere sina Rhian, ang iba pang cast members at ang direktor ng nasabing suspense horror film.
Taliwas sa unang balita na magwawakas na ang comedy musical talk show na Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda, magpapatuloy pa rin ito sa paghahatid ng ligaya tuwing Linggo ng gabi sa Kapamilya Network.
Ilo-launch na ang bagong daily noontime variety-game show na Game N Go ng TV5 sa March 10, 2012 sa ganap na 11:30 a.m. Makakatapat nito ang Eat Bulaga! ng GMA at It's Showtime ng ABS-CBN.
Kuhang-kuha ng camera ang biglang pagtumba at pagkawala ng malay ni Pauleen Luna habang ginagawa ang segment na Juan for All, All For Juan ng Eat Bulaga sa Davao noong Lunes. Kapansin-pansin na matamlay na ang aktres sa simula pa lang ng segment at bigla na lang itong nag-collapse habang ini-interview ang isang contestant.


